Nabulgar sa isinagawang sariling imbestigasyin ng Senate special committee on Philippine maritime and admiralty zones ang foreign commercial vessel na nakabangga sa nakadaong na Filipino boat malapit sa Scarborough shoal na ikinasawi ng 3 mangingisdang Pilipino ay inooperate ng isang Chinese-Korean company.
Ayon kay Senator Francis Tolentino, ang may-ari ng barkong nakabangga na nagresulta sa pagkasawi ng 3 pinoy ay ang Sinokor na isang Chinese-Korean Corporation.
Beniripika naman ni PCG spokesperson Rear Admiral Ramando Balilo na ang Sinokor ay isang joint venture ng Chinese-Korean groups.
Sa naging pagdinig, hiniling ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III ang background ng crude oil tanker na Pacific Anna na nakabangga sa Filipino fishing boat na FFB Dearyn.
Tumugon naman si Deputy commissioner for maritime affairs of Republic of the Marshall Islands Captain Leo Bolivar na ang Sinokor nga ang may-ari ng naturang barko subalit nilinaw din nito kalaunan ang kaniyang pahayag.
Aniya, ang shipowner ay ang Compass Shipping 28 Corporation Limited na mayroong address na nakapangalan sa Sinokor Maritime Company Limited sa Seoul, Korea.
Tumanggi naman si Bolivar na kumpirmahin na isang joint venture sa pagitan ng China-Korea corporation ang Sinokor
Samantala, sinabi naman ni Bolivar na nasa proseso na sila ng pagkumpleto ng kanilang imbestigasyon at ang full report ay ipapadala sa International Maritime Organization database at makikita sa Port State Control.
Ayon sa opisyal, sinimulan ng Marshall Islands ang imbestigasyon noong Oktubre 4 nang malaman ang insidente sangkot ang Pacific Anna na ikinokonsidera ngayong vessel of interest.
Una ng sinabi ng PCG na naipaalam na ang insidente at imbestigasyon sa kaukulang awtoridad sa Sinngapore na sunod na destination port ng MV Pacific Anna