Reading Time: 1 minute
ESPINO

DAGUPAN CITY – Isinagawa ang isang command conference sa hanay ng Philippine National Police (PNP), kaugnay ng nangyaring ambush kay dating Pangasinan 5th District Cong. Amado Espino Jr., na ikinamatay ng isa sa mga body guard nito habang sugatan ang tatlong iba pa.

Pinangunahan nina PNP Pangasinan director Col. Redrico Maranan at PNP Region 1 regional director Brig. Gen. Joel Sabio Orduña.

Unti unti naman ng nagsisidatingan ang ilang prominenteng personalidad dito sa Pangasinan na kinabibilangan ng iba’t-ibang mga Alkalde, mga hepe ng PNP stations at mga department heads sa provincial office sa pagamutan upang matiyak ang kaligtasan ng dating gobernador at ilang tauhan.

Mahigpit na siguridad naman ang umiiral hindi lamang sa pagamutan kundi sa buong lalawigan ngayon matapos na itaas ang alerto sa hanay ng PNP.