Naniniwala ang Commission on Elections (COMELEC) na makakatulong ang isinagawang coordinating conference para tiyakin sa mga mamamayan ng Negros Oriental na ginawa nila ang kanilang makakaya kasama ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines para maibigay ang ‘best peaceful election.’
Ito ang inilabas na pahayag ni COMELEC-7 Regional Election Director Atty. Lionel Marco Castillano sa isinagawang coordinating conference ngayong araw, Hunyo 27, na dinaluhan nina COMELEC Chairman George Erwin Garcia, Garcia, PNP chief PGen. Benjamin Acorda Jr, AFP chief-of-staff Gen. Andres Centino, at mga kinatawan mula sa iba’t ibang stakeholders tulad ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).
Tiniyak pa ni Castillano sa mga NegOrenses ang isang patas at maayos na halalan.
Samantala, pabor naman naman si COMELEC Chairman Garcia na ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa mga bayan o lungsod ng lalawigan na may history ng “violence” sa nagdaang eleksyon.
Para naman kay Acorda, hindi na umano ito kailangang ipagpaliban at tiniyak na nakahanda silang magbigay ng karagdagang pwersa lalawigan kung kinakailangan.