FB facebook twitter
-- Advertisements --

May paraan ang Commission on Elections (COMELEC) para mabantayan ang iba’t-ibang social media sites ngayong 2022 elections.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na nilapitan nila ang mga social media companies gaya ng Facebook, Instagram, YouTube at Tiktok.

Nabigyan aniya sila ng access at tools para ma-regulate ang mga political advertisements at ilang aktibidad ng mga tatakbong kandidato.

Magsisimula lamang aniya silang maghigpit ng mga political campaign sa Pebrero 2022 kung saan ang opisyal na campaign period ng halalan.

May mga tao aniya silang nakatalaga sa mga iba’t-ibang social media sites para mabantayan ang ilang pulitiko.

-- Advertisement --