Kinumpirma ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon siya ay isa ring person under monitoring (PUM) at kabilang sa mga high risk dahil pa rin sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Guanzon, mayroon daw kasi siyang hika bukod pa sa hypertensive at mahigit 60-anyos na rin ito.

Sa ngayon ay bahagya siyang inuubo subalit hindi siya nakikipag-unahan sa pagpapasuri sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) taliwas sa ginawa ng ilang pulitiko.

Partikular na inupakan ni Guanzon ang mga pulitiko na sinasabing nambraso pa sa mga doktor sa RITM para lamang unahin sila sa COVID test sa kabila ng hindi naman sila nasa high risk at wala namang nararanasang sintomas.