Binigo ng Columbian Dyip ang Rain or Shine 85-82 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Bumida sa panalo si Rashawn McCarthy na nagtala ng 22 points .

Nag-ambag naman ng 12 points at walong rebounds si Jackson Corpuz habang mayroong 11 points at 11 rebounds si CJ Perez.

Iniwan ng Columbian ang Elasto Painters ng magtala sila ng 10-0 run at madala sa 55-46 ang kalamangan nila.

Sinabi ni Columbian coach Johnedel Cardel na may natitira pa silang tatlong laro na dapat nilang ipanalo.