Neri Colemenares
Neri Colmenares/ FB image
-- Advertisements --

Ikinalugod ni Bayan Muna chairperson Neri Colmenares ang pagkakasama niya sa senatorial slate ng presidential aspirants na sina Sen. Manny Pacquiao at labor leader Leody De Guzman.

Sa isang statement, sinabi ni Colmenares na ang endorsement ni Pacquiao para sa kanya at kay Kilusang Mayo Uno Chairman Elmer Labog sa pagka-senador ay indikasyon na kinikilala ng tinaguriang fighting senator ang kahalagahan nang pagkakaroon ng kandidato sa Senado na susulong sa legislative agenda para sa mga manggagawa, magsasaka at marginalized sectors.

“The recognition and support of a presidential candidate, like Sen. Pacquiao, is very important for candidates like me who rely on the support of ordinary Filipinos in our campaign. We value such unconditional endorsement,” ani Colmenares.

Nagpasalamat din siya kay De Guzman dahil sa pagsama sa kanya sa senatorial lineup nito.

“I am glad that he considers me, and KMU Chairman Elmer Labog, as candidates who carry the interest of the workers in our country and deserving of the support of the workers and the people,” giit ng dating Bayan Muna party-list congressman.

-- Advertisement --

Samantala, sinabi naman ni Colmenares na hindi siya magpapaapekto sa pagsusulong sa agenda na para sa taumbayan kahit pa hindi siya kasama sa senatorial lineup naman ni Vice President Leni Robredo.