Reading Time: 1 minute

CEBU CITY – Walang makitang dahilan sa ngayon ang pamilya ng isang college professor na natagpuang patay sa loob ng kanyang kwarto matapos magbigti sa Purok 4, Taguihon bayan ng Baclayon probinsya ng Bohol.

Kinilala ang biktima na si Augustus Ceasar Omaña, 35 anyos, instructor ng isang institusyon sa Tagbilaran City, Bohol at incumbent councilor.

Ayon kay Police Executive Master Sergeant Francis Briones ang imbestigador ng Baclayon PS na ayon sa statement ng kapatid ng biktima na nag umuwi ito sa kanilang bahay pasado alas 11 nitong Lunes ng gabi, dumeretso agad ito sa kanyang kuwarto.

Nang gisingin na umano kinaumagahan, hindi ito sumagot kaya pumasok ang kapatid nito sa kanyang kwarto. Nagulat ito kanyang nakita dahil nakabigti na sa kisame ang kanyang kapatid at wala nang buhay.

Dagdag pa ni Briones na kahit isang senyales hindi nakitaan ang biktima na suicidal ito dahil nakapavocal umano nitong ato at napakamasayahin.

Kaibigan rin umano ni Briones ang biktima ang sinabi rin niyang isang masayahing tao si Omaña at wala itong na-ikwentong problema sa kanyang trabaho.

Wala rin umanong nangyaring foul play at hiningi na lang ng pamilya na pribado silang magluluksa.