Isang baby boy ang ipinagbubuntis ng actress na si Coleen Garcia.

Inanunsiyo ng actress ang kasarian ng unang anak nila ni Billy Crawford sa online reveal party sa Facebook, Youtube at Kumu.

Kasabay din nito ang paglabas ng larawan ni Coleen na makikitang naka-blue lipstick at ultrasound image ng anak.

Magugunitang noong Marso ng kumpimahin ni Garcia ang pagbubuntis nito bago ang pagdiriwang nila ng ikalawang taong anibersaryo.