Nag-deactivate ng kaniyang Instagram account ang actor na si Coco Martin dahil sa ilang kontrobersiyang kinasangkutan nito.

Nagtaka ang mahigit na 3 milyon IG followers nito dahil hindi na nila maaccess at makita ang mga post ng actor.

Magugunitang ilan sa mga kinaharap nitong kontrobersya ay ang pagiging magaspang na ugali nito sa ilang mga cameraman na ipinagtanggol naman kapwa artista nito.

Nauna rito isa ang actor na naglabas ng kaniyang saloobin matapos na ipasara ang TV network kung saan ipinapalabas ang kaniyang mga show.