Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong bumuo ng coco levy trust fund, na nakikitang malaking tulong para sa mga magsasaka at sa coconut industry sa Pilipinas.

Sa botong 221 na Yes, anim na No at walang absention, inaprubahan ng Kamara ang House Bill No. 8136, o ang panukalang “Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act.”

Nasa 3.5 million coconut farmers sa bansa na nagmamay-ari ng lupain na hindi lalagpas ng limang ektarya ang magbebenepisyo sa oras na maging ganap na batas ang panukalang ito.

Sa ilalim ng panukala, tatagal ng 99 taon ang trust fund na ime-maintain ng Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP) na bubuuin naman ng Philippine Coconut Authority (PCA).

Ang PCA ang initially na tatanggap ng alokasyon, kabilang na ang disbursements para sa pagtatag ng CFIDP.

Ang Department of Finance naman ang siyang inaatasan na mangasiwa sa pondo.

Tinatayang aabot ng hanggang P100 billion ang coco levy trust fund mapa-cash man o assets.

Nanggaling ito sa karagdagang tax collections na ipinataw sa mga coconut farmers sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.