Tiniyak ni PNP chief Oscar Albayalde na lalo pa nilang palalakasin ang kanilang coastal patrols na pangngunahan ng PNP Maritime Group.

Ito’y kasunod ng sunud-sunod na pagkaka rekober ng mga bloke-blokeng cocaine sa karagatang sakop ng bansa.

Ayon kay Albayalde, may mga effort na rin ang PNP para i-enhance ang capability ng PNP Maritime Group.

Ngayong taon umano ay may mga procurement gagawin ang PNP para sa mga motorized bancas na gagamitin sa pagpapatrolya.

Hindi naman sinabi ni Albayalde kung ilang mga motorized pumpboat ang kanilang bibilhin.

Sa kabilang dako, lubos naman ang pasasalamat ni Albayalde sa PMAAI na pinarangalan siya bilang isa sa mga Cavalier Awardee ngayong taon.