Blanko pa rin si U.S. coach Gregg Popovich kung sino-sinong mga manlalaro ang isasabak niya sa FIBA World Cup na gaganapin sa China sa Agosto.

Sinabi ng beteranong coach na hindi pa tiyak na sigurado ng pasok ang US team sa Tokyo 2020 Olympics.

Magsisimula aniya sa 30 players hanggang sa ito ay tuluyang mabawasan pagpapalapit na ang kumpetisyon.

Magugunitang tinalo ng US ang Argentina 84-83 nitong Martes para sa tuluyang makapasok sa FIBA World Cup.