ATLANTA, Georgia, USA – Kabilang na rin ang tanggapan ng malaking media network na CNN sa mga sinalakay ng mga nagkikilos protesta sa Atlanta.

Dose-dosena ang sumugod sa CNN Center at binasag ang ilang pintuan at dingding na gawa sa salamin.

May nagtapon pa ng flash bomb sa panig ng security personnel.

Sinasabing bahagi pa rin ito ng mga protesta laban sa mga otoridad na responsable sa pagkasawi ng African-American na si George Floyd kamakailan.

Mariing kinondena ni Atlanta Mayor Keisha Lance Bottoms ang mga karahasang nangyayari sa kanilang lugar.

Maliban sa gusali ng media company, marami pang establishimento at istraktura ang sinira ng ilang grupo. (CNN/Fox)