Bondad Clint
Clint Bondad/ FB image

Nagpahiwatig ang Fil-German model na si Clint Bondad na wala na itong plano na magbalikan sila ng ex-girlfriend na si 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray.

Ito’y sa pamamagitan ng pagsagot ng “give up” sa isa niyang Instagram follower na nagtanong kung may kahit “small chance” pang madugtungan ang love story nila ng pang-apat na Pinay Miss Universe.

Nitong Pebrero o dalawang buwan makaraang koronahan si Cat bilang Miss Universe nang kumpirmahin nila na nauwi na sa hiwalayan ang anim na taong relasyon bilang magkasintahan.

Sa Thailand ginanap ang coronation ng prestihiyosong pageant at ngayon ay nauugnay naman si Bondad sa bilyonaryang Thai transwoman na si Anne JKN.

Sinasabing si Anne ay chief executive officer ng JKN Global Media Public Limited Company sa Thailand.

Noong nakaraang linggo nang ma-link naman ang 25-year-old Fil-Australian beauty mula Bicol sa isang basketball player ng De La Salle University.