Deny nor confirm ang Fil-German model na si Clint Bondad kaugnay sa kumakalat na umano’y larawan nila ng hindi kilalang babae habang naghahalikan na tila nasa isang bar.

Sa pagharap sa media, natatawa lamang ito sa pagsagot patungkol sa naturang larawan at video kung saan matapos halikan ng lalaki ang babae ay binuhat pa niya ito papasok sa isang tila kuwarto.

“Bar, kissing with a girl? Ako ba yun? Is that me? Which one? Hindi ko nakita. Which one Hindi ako nag-iinom, e” sagot ni Bondad.

Nitong April 5 nang maging usap-usapan ang isyu o mahigit isang buwan lamang matapos ang kumpirmasyon na nauwi na sa hiwalayan ang anim na taong relasyon nila ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray.

Bago ang nasabing “kissing photo,” nag-post si Bondad ng picture habang naglalaro ng golf kung saan katabi nito ang isang babae pero natatakpan ng cap ang mukha nito.

Hindi naman malinaw kung ang babaeng kasama ni Clint sa paglalaro ng golf at ang babaeng kasama niya sa bar ay iisa.

Nabatid na Pebrero ngayong taon nang aminin ng 25-year-old Fil-Australian beauty na mas pinipili nito ang Miss Universe crown at nais maging single sa kanyang one year reign.

Ibinunyag naman ni Clint na opisyal na natapos ang kanilang love story pagkatapos din ng coronation noong December 2018 sa Thailand, kung saan siya ay personal pang nanood.