Tuluyan ng ipinasara ng Makati City Business Permit Licensing Office ang medical clinic matapos ang pagkamatay ng isang 43-anyos na ginang.

Napag-alaman din ng mga opisyal na ang Contours Advanced Face and Body Sculpting Institute ay wala ring permit para mag-operate.

-- Advertisement --

Ang nasabing pagpapasara ay kasunod ng paghahain ng reklamo ng pamilya ng biktima sa Makati City PNP.

Magugunitang namatay ang 43-anyos na ginang matapos na sumailalim sa liposuction at nalaman na dermatologist lamang at hindi lisensyadong surgeon.