Reading Time: 1 minute

Itinanggi ni Chris Paul na humiling ito ng trade upang makaalis na sa Houston Rockets.

Tugon ito ni Paul sa mga naglalabasang ulat na nakapagpasya na raw itong lumisan sa kasalukuyan nitong team.

“I never asked for a trade,” wika ni Paul. “I never demanded a trade.”

Ayon sa All-Star guard, masaya raw ito sa pananatili nito sa Rockets at posible aniyang magtagal pa ito.

“I’ll be in Houston. I’m happy about that. I’m very happy about that. I’m good,” dagdag nito.“There’s only one team that wins at the end of the year, you know what I mean?… Since I went to Houston, from Day 1, it’s been about winning games. It’s always about winning games.”

Inamin naman ni Paul na nadismaya lang ito sa hindi pagkakausad ng Houton sa playoffs nang magapi sila ng Golden State Warriors sa Western Conference semifinals.

Una rito, batay sa mga report, nais daw lumayas ni Paul sa Rockets dahil sa hidwaan nila ni James Harden.