Maraming fans ang nalungkot nang lumabas ang balitang tinuldukan na ng magkasintahan na sina Coldplay rocker Chris Martin at Fifty shades star Dakota Johnson ang kanilang dalawang taong pagmamahalan.

Di-umano’y kinakalat na ni Martin sa kaniyang mga kaibigan na single siyang muli at noong nakaraang buwan ay naghiwalay na sila ni ng Amercican actress.

‘There was talk of engagement but now he says they have gone their separate ways, which has come as a real surprise to everyone,’ saad ng isa sa malalapit na kaibigan ng Coldplay rocker.

‘Chris and Dakota were very easygoing and always seemed really happy together.’ dagdag pa nito.

Huling namataan na magkasama sina Chris at Dakota noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Noong 2017 naman nang kumalat ang usap-usapan na magkarelasyon na ang dalawa matapos silang makitang magkasama habang nag-eenjoy sa kanilang sushi date.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here