Kinodena ng Commission on Human Rights (CHR) ang krimen ng pagpatay sa 15-anyos na dalagita sa Ilocos Sur, makaraang magreklamo laban sa pangmo-molestya umano ng ilang pulis sa kanila ng kanyang pinsan.
Ayon kay CHR spokesperson Jacqueline de Guia, binibigyang diin ng insidente ang vulnerability o pagiging lapitin sa karahasan ng mga kababaihan at kabataan, lalo na sa gitna ng pandemya.
“Many of stories remains unreported until we hear their horrors of struggle out in the open,” sa isang statement.
Batay sa tala ng Women Children Protection Center ng Philippine National Police (PNP), aabot sa 804 kaso ng gender-based violence at at violence against women and children ang naitala mula March 15 hanggang April 30 nitong taon.
“However, because of the hidden nature of these violences at home, the actual number of cases might be higher.”
Kinilala naman ng De Guia ang agarang aksyon ng PNP na nag-imbestiga sa mga itinuturing na suspek ng krimen.
Dahil nasa kamay ng PNP ang paghahatid ng hustisya, panghahawaakan daw ng CHR ang pangako ng ahensya na paglilingkod at pagbibigay proteksyon sa karapatang pantao.
“If needed, ensure accountability for the indignities committed even if the perpetrators are among their ranks.”
Muli namang nanawagan si De Guia sa mga concerned agencies ng gobyerno na siguruhin ang kaligtasan ng kabataan at kababaihan.
Maging angkop din daw sana ito sa mga batas at standard na sinusunod dito sa Pilipinas at sa international level.
“Primarily, proactive women and child protection measures and services must remain operational and strengthened during this period of heightened vulnerability. We hope to see a stop in the incidences of gender-based violence.”
Sa ngayon tumutulong na rin daw sa imbestigasyon ng kaso ang regional office ng CHR sa Ilocos Sur.