Binigyang diin ng Commission on Human Rights (CHR) ang posisyon nito laban sa ipinasang Anti-Terrorism Law dahil sa posible umanong banta nito sa karapatang pantao.
Nilinaw ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia na kahit suportado nila ang kampanya kontra terorismo, ay dapat matiyak na hindi makokompromiso ang karapatan ng bawat indibidwal sa ilalim ng ipinasang batas.
“Our position has been clear: CHR deplores how violences by terrorists have disregarded individual and collective rights through the destruction of properties and loss of lives. We are against terrorism. But in the pursuit of a safer nation, we cannot compromise our human rights.”
Ani De Guia, panghahawakan ng kanilang hanay ang pangako ng pamahalaan, pati na ng mga may akda ng batas, na pahahalagahan nito ang karapatang pantao.
“This includes commitment to protect free speech; the right to dissent and petition redress for grievances; due process and presumption of innocence; and respect for human dignity and the value of human life among others. “
“Ensuring that we live in peace is a human right. Let’s not frame human rights as if they are mere hindrances. They are the standards by which we demand actions from the government for a better, dignified life. “
Nitong Biyernes, July 3, nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing batas na magbibigay parusa sa mga mapapatunayang banta ng terorismo sa bansa.
Ilan sa mga kontrobersyal na probisyon nito ang warrantless arrest at kapangyarihan ng mabubuong Anti-Terror Council.
“CHR will continue to be vigilant against abuses and will remain firm in standing up for human rights.”