LEGAZPI CITY – Itinakda na ngayong araw ang target ng lokal na gobyerno ng Sorsogon para sa Guinness record sa pinakamaraming sabay-sabay na sasayaw ng folk dance.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Sorsogon Provincial Tourism head Bobby Gigantone, inaasahan na magiging masaya at makulay ang aktibidad na tinawag na ”Pantomina sa Tinampo” na gagawin mamayang alas-5:00 ng hapon at lalahukan ng mahigit 8,200 folk dancers.

Ayon kay Gigantone, sasali rin sa aktibidad ang mismong gobernador ng Sorsogon na si “Chiz” Escudero at celebrity wife nito na si Heart Evangelista na nag-practice na ng sayaw.

Nabatid na ang Guinness world record attempt ang highlight ng month long celebration ng taunang Kasanggayahan Festival sa Sorsogon.