-- Advertisements --

BFAR1

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard na isang Chinese navy vessel ang bumubuntot sa BRP Francisco Dagohoy mula Pag-asa Island at pabalik na ito ng Palawan.

Ang nasabing insidente ay nangyari nuong Biyernes, June 16,2023.

Ang nasabing barko ay tumulong sa Bureau of Fisheris na ideliver ang livelihood assistance para sa mga residente sa isla.

Ayon kay Phil. Coast Guard Spokesperson Armand Balilo, hindi kaagad napansin ng BRP Francisco Dagohoy ang Chinese vessel ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at may sakay din ang nasabing barko na mga journalists.

“Actually noong nakadikit na sa Palawan ang mga tao, nag-report sila na biglang nagpakita ang isang Chinese Navy, hindi Coast Guard, parang sa likuran nila. Malapit, hindi ko lang masabi,” pahayag ni Balilo.

Kinumpirma ni Balilo habang sinusundan ng Chinese vessel ang barko ng Pilipinas tatlong beses itong chinallenge.

Dagdag pa ni Balilo na kaagad naman umalis ang Chinese vessel matapos ang radio challenges.

Sa kabilang dako, ayon naman kay BFAR chief information officer Nazario Briguera, sa kanilang pagtaya naging maayos at mapayapa ang kanilang biyahe sa Pagasa Island.

Ayon kay Briguera, nagsimulang lumayag ang barko nuong June 12,2023 para ihatid ang mga livelihood assistance sa bayan ng Kalayaan na nagkakahalaga ng P5 million.