Hindi palalagpasin ng pamunuan ng National Capital Region Police (NCRPO) na hindi nito palalagpasin ang ginawa ng babaeng Chinese na nagsaboy ng taho sa isang pulis na nagbabantay sa MRT station sa may Boni station.

Ayon kay NCRPO chief PDir. Guillermo Eleazar, na mananagot ang Chinese na babae sa kaniyang ginawa.

Dagdag pa ni Eleazar na kanilang irerekumenda para maging undesirable alien ang nasabing banyaga.

“We will recommend for her to be considered as undesirable alien,” giit ni Eleazar.

Nang malaman ni Eleazar ang insidente agad nito tinungo ang Mandaluyong police at hinarap ang inarestong Chinese.

” She has to suffer the consequences ng naging aksiyon niya,” pahayag ni Eleazar.

Nakilala ang suspek na si Jiale Zhang, 23-anyos, nakatira sa Axis Residences sa Mandaluyong at estudyante ng school of fashion sa Sofa Design Institute.

Inaresto si Zhang dahil sa Disobedience to Agent of Person in Authority and Direct assault.

Kinilala naman ang pulis na sinabuyan ng taho ni Zhang na si PO1 Wiliam Cristabal, miyembro ng RMFB 4th MFC.