Nilinaw ngayon ng Manila Health Department na negatibo sa novel coronavirus (N-Cov) ang isang pasyenteng Chinese na na-confine sa Metropolitan Hospital sa Maynila.

Ayon kay Manila City Health Officer Dr. Arnold Pangan, walang kumpirmadong kaso ng N-Cov sa naturang ospital.

Sinabi ni Dr. Pangan na ang 27-anyos na lalaking Chinese na isinugod sa naturang pagamutan ay empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) at naospital ito noong Enero 25, dahil sa lagnat at ubo.

Pero sa imbestigasyon ng Manila Health Department sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DoH), bagamat nagkaroon ng lagnat at ubo ang naturang pasyente, wala naman itong history ng pagbiyahe sa Wuhan, China at wala ring history na nalantad ito sa isang pasyenteng nagpositibo sa N-Cov.

Paliwanag ni Pangan, isang community acquired pneumonia ang kaso ng naturang pasyente at sa pinakahuling pagsusuri, mabuti na ang kondisyon ng pasyente at wala na ring lagnat.

Sinasabing dumating sa bansa ang nasabing pasyente noong January 8, 2020 mula sa Obei, China at naninirahan daw sa boundary ng Pasay at ParaƱaque. Top