NTF WPS Chinese Militia
-- Advertisements --

Nakatakdang kakausapin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian kaugnay sa presensya ng 220 Chinese vessels sa Julian Felipe Reef.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, wala namang bagay ang hindi napag uusapan ng magkakaibigang bansa.

Ayon kay Sec. Roque, malinaw ang pahayag ni Pangulong Duterte na gagawin niya ang pakikipag-usap sa Chinese ambassador para malinawan ang isyu.

Magugunitang naghain na ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) dahil sa presensya ng mga barko ng China na hinihinalang mga militia.

Pero sa pahayag ng China, iginiit nitong nakisilong lamang ang kanilang mga barko dahil sa masama ang lagay ng panahon.

-- Advertisement --