-- Advertisements --

Pinaplano umano ng China na magtayo ng floating nuclear plants na magsusuplay ng kuryente sa mga military facility nito sa pinagaawayang karagatan.

Ito ay base umano kay United States Indo-Pacific Command Adm. John Aquilino.

Aniya, inanunsiyo ng Chinese state media na target ng Beijing na gamitin ang naturang proyekto para palakasin ang kontrol nito sa disputed waters.

Sa naturang report din, ipinagmalaki nito na ang bawat isla at bahura sa disputed waters, na lalagyan ng floating nuclear-powered platform ay isang mahalagang nuclear-powered aircraft carrier.

Ito ay equip ng combat aircraft at missile systems.

Ang kanilang military advantage aniya ay higit pa kaysa sa US carrier fleet na nagmumula sa malayo.

Sinabi rin ng Development Research Center of the State Council ng China na titiyakin ng nuclear plants na magkaroon ng smooth o maayos na pagsasagawa ng military exercises sa naturang karagatan.

Mareresolba rin umano nito ang dalawang problema, una ay magbibigay ng natural at abundant cooling para sa power plants ang nakapaligid na katubigan.

Ikalawa, ang kanilang generated energy output ay maaaring magbigay ng malinis, maiinom na tubig para sa karatig na installations at personnel.

Samantala, iginiit naman ng US Commander na ang planong paggamit ng China ng floating nuclear power plants ay may posibleng epekto sa lahat ng bansa sa rehiyon.