China hypersonic
-- Advertisements --

Itinanggi ng China ang ulat na nagsagawa sila ng missile test ng kanilang nuclear-capable hypersonic missile.

Ayon kay Chinese foreign ministry spokesman Zhao Lijian na noon pang Hulyo ay isinagawa ang routine test ng kanilansg reusable spacecraft technology.

Paglilinaw nito na isa itong spacecraft at hindi missile.

Hindi lamang aniya sila ang nagsasagawa nito at maraming bansa rin.

Reaksyon ito ng China sa lumabas na ulat na nagsagawa sila ng testing ng hypersonic missile.

-- Advertisement --

Ang hypersonic missiles ay mas mabilis at mahirap na ma-intercept.