-- Advertisements --

Kinondina ng Chinese military ang pagpapadala ng US at Canada ng kanilang barkong pandigma sa karagatang sakop ng Taiwan.

Ayon sa China na isa umano itong pagbabanta sa kalagayan ng pangkapayapaan at katahimikan sa rehiyon.

Itinuturing kasi ng China na bahagi ng kanilang teritoryo ang Taiwan.

Inireklamo na rin ng Taiwan ang pagpapalipad ng mga eroplanong pandigma ng China sa air defense indentification zone ng Taiwan noong nakaraang mga linggo.