-- Advertisements --

Na-hack umano ng mga hackers na nag-ooperate sa China ang email systems at internal websites ng ilang mga ahensiya ng gobyerno ng Pilipinas na gumagamit ng Google Workspace na karaniwang nangangalap ng mga impormasyon saka aatake sa tamang panahon ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT).

Aniya kapag isang estado ang nasa likod ng hacking, maaari itong ikonsiderang cyber espionage o pagiispiya.

Kaugnay nito, ayon kay DICT USec. for Cybersecurity Jeff Ian Dy, nakikipag-ugnayan na ang departamento sa tech giant na Google para mapigilang ma-escalate pa ang sitwasyon sa pamamagitan ng pag-shut down sa access ng mga hacker.

Subalit binigyang linaw ng opisyal na na-preempt naman nila ito at nasa proseso na sila ng paglilinis at pagtanggap sa lahat ng traces ng hacking sa sistema.

Inamin ng opisyal na nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa cyber-attack 2 linggo na nag nakakalipas na tinatarget ang mga user ng Google Workspace.

Ayon pa kay USec. Dy, tinatarget ng ma hacker partikular sa Pilipinas at ang mga mayroong “gov.ph” domains.

Kabilang sa email domains na tinatarget ng hackers ay ang cabsec.gov.ph,
coastguard.gov.ph, cpbrd.congress.gov.ph, dict.gov.ph, doj.gov.ph at ncws.gov.ph.

Tinarget din aniya ng mga hacker ang private domains kabilang ang www.bongbongmarcos.com (pbbm.com.ph) na isang pribadong website ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa DICT official, ang naturang cyber-attack ay posibleng kagagawan ng isa mula sa 3 notorious hacking groups na Lonely Island, Meander at Panda.