Reading Time: 1 minute
cherie gil 1
Ms. Cherie Gil

Nagpapasalamat si Cherie Gil sa naging matagumpay na operasyon nito matapos magtamo ng injury sa bahagi ng kanyang tuhod.

Ayon sa 56-year-old veteran actress, kailangan pa niyang magpahinga pero handa na rin na sumali uli sa marathon.

Kasabay nito ay pinayuhan nito ang mga fans na pangalagaan ang kalusugan, tulad niya na na-realize na totoo pala ang kasabihang “health is wealth.”

“#healthiswealth guys! BUT at the end of the day.. love and laughter is still the best medicine,” bahagi ng kanyang online post.

Nabatid na dumanas si Gil ng meniscus injury na ayon sa Mayo Clinic, ay “anything that causes you to forcefully twist or rotate your knee, especially when putting your full weight on it.”