-- Advertisements --
image 20

Naglabas ng pahayag ang Commission on Higher Education (CHED) kaugnay sa sexual assault sa loob ng UP Diliman campus.

Ayon kay CHED chairman Prospero de Vera III na isang wake up call ito para sa naturang institusyon para mabusising muli ang mga polisiya kaugnay sa seguridad at kaligtasan sa unibersidad kabilang na ang koordinasyon nito sa Philippine National Police at iba pang law enforcement agencies.

Ginawa ng opisyal ang naturang pahayag matapos makumpirma na isang estudyanteng babae mula sa UP ang nabiktima ng sexual assault sa may Ylanan road sa loob mismo ng Diliman Campus noong araw ng Sabado, Hulyo 1 kung saan nananatiling at large ang suspek.

Sa parte naman ng pamunuan ng unibersidad, magpapakalat ito ng karagdagang roving security personnel at officers sa iba’t ibang lugar pagkatapos ng office hours kasunod ng insidente.

Sinabi din ni De Vera na dapat na agad makipag-coordinate ang administrative at security officials ng unibersidad at payagan ang kaukulang mga tauhan ng PNP na pangunahan ang imbestigasyon at magsagawa ng posibleng pursuit operations.

Dapat din aniya na i-tap ng pamunuan ang mga expertise ng PNP sa pagtukoy at paghuli ng lahat ng mga responsable sa hindi katanggap-tanggap na karahasan.

Sinabi din ng CHED chairman na inatasan na niya ang UP President at UP Diliman Chancellor na tiyaking lahat ng tulong ay maibibigay sa biktima.
Top