-- Advertisements --

Pinawi ng DILG ang pangamba ng ilang byahero ukol sa mga nakalagay na checkpoints, matapos magkaroon ng bubble restrictions sa Metro Manila at mga karatig na probinsya.

Ayon kay DILG Usec. Jontahan Malaya, hindi para sa bubble restriction ang mga nakabantay na pulis at tauhan ng barangay, kundi para sa implimentasyon ng curfew.

Bagama’t pareho umano itong para sa kaayusan at laban sa pagkalat ng COVID-19, wala umanong dapat ikatakot sa presenysa ng mga pulis.

Nasa mga kalsada umano ang mga tauhan ng PNP, para magbigay ng gabay at paalala sa mga hindi nakasusunod sa minimum health protocols, magpatupad ng kaayusan at seguridad sa buong sakop ng area of jurisdiction.