Reading Time: 1 minute

ROXAS CITY – Nag-perform bilang front act ang bandang Cytoplasm, ang kampeon sa Handog ng Bombo Radyo at Star FM Battle of the Bands Competition 2019 sa concert ng kilalang banda na Hale.

Ang naturang concert ay binansagang “Konsyerto sa Capiztahan” ay kasabay ng selebrasyon ng charter anniversary ng lalawigan ng Capiz.

Pinuri ng lokal na gobyerno ng lalawigan ang patimpalak na isinagawa ng Bombo Radyo at Star FM na may layunin na makatuklas ng mga lokal na talento kaya’t napili nitong maging front act ang Cytoplasm.

Maliban pa rito, nag-perform rin ang 1st runner up at nakakuha ng Best Vocalist award na Calixas sa naturang konsyerto.

Itinuturing naman ng mga local bands na isang malaking oportunidad ang ibinigay sa kanila dahil isa ang Hale sa bandang tinitingala sa bansa.

Nabatid na ilan sa pinasikat ng bandang Hale ay ang mga “The Day You Said Goodnight,” “Blue Sky” at “Kung Wala Ka.”