Negros Ceres
Ceres Negros / FB image

Nakatakdang magpalit na ng pangalan ang Ceres-Negros Football Club.

Ito ay matapos ang napipintong pagpalit ng kanilang management at ownership.

Umalis na kasi sa puwesto si Leo Rey Yanson ang pangulo ng Ceres Transport kaya nararapat na palitan na rin ang kanilang pangalan.

Ayon sa koponan na may mga nagaganap na pag-uusap sa pagitan ng mga bagong investors.

Sa inilabas na pahayag na isang mabigat na desisyon ang nasabing pagpasya.

Kahit na apektado sila sa coronavirus pandemic ay pinipilit pa rin ng football club na mabayaran ang mga manlalaro at kanilang empleyado.

Kung maaalala ang mga Yanson din ang nagmamay-ari ng pinakamalaking bus company sa Pilipinas na tinatayang may mahigit 4,000 bus units.