Gordon Hayward

Target ng Boston Celtics na maitabla sa 2-2 ang Eastern Conference finals nila ng Miami Heat.

Ito ay matapos ang mahabang pahinga mula ng makuha nila ang panalo 117-106 nitong Linggo kung saan lamang pa rin ng isa 2-1 ang Heat sa best-of-seven games ng dalawa.

Gaya aniya ng inaasahan, magsasanib puwersa sina Jaylen Brown, Jayson Tatum, Kemba Walker at Gordon Hayward.

Ayon naman kay Celtics coach Brad Stevens na hindi niya inaasahan na makapaglaro ng matagal si Hayward dahi sa tinamo nitong injury subalit nagpagkitang gilas ito noong Game 2.

Sa panig ng Miami, inaasahan din na babawi ang mga players upang hindi mameligro sa delikadong laro ng Celtics.