Muling nalasap ng Boston Celtics ang ikalawang sunod na talo nang ipahiya sila ng New York Knicks, 93-102.

Kung maalala kahapon lamang ay nasilat ang Boston ng Miami Heat.

Sa kabuuan meron ng 26-9 na record ang Celtics habang ito naman ang ika-17 panalo ng New York.

Binitbit ni Michael Beasley ang Knicks gamit ang kanyang 28 points mula sa season-high na 32 points sa second half.

Napunan ni Beasley ang nakakadismayang pagbabalik ni Kristaps Porzingis sa New York Knicks.

Sa panig ng Cetics hindi nakapaglaro ang starter na si Jaylen Brown bunsod ng left Achilles tendon soreness.

Nabaliwala rin ang pagsisikap ni Kyrie Irving na may 32 points.

Next game ng Boston ay laban sa Chicago sa Linggo.