Isang panalo na lang ang kailangan ng Boston Celtics upang umusad sa next round matapos talunin muli sa ikatlong sunod na beses ngayong playoffs ang Indiana Pacers, 104-96.

Hawak na ng Boston ang 3-0 lead sa first-round series at maaring tapusin nila ang Eastern Conference sa Game 4 sa Lunes sa Indianapolis.

Nagsama ng pwersa sina Jaylen Brown na may 23 points at si Kyrie Irving na nagdagdag naman ng 19, liban pa sa 10 assists at five rebounds.

Sumandal din ang Boston sa kanilang magandang depensa upang pigilan ang pilit na pagtatangka ng Pacers.

Sa fourth quarter naman ginamit ng Boston ang 10-4 rally sa huling sandali upang tuluyang igupo ang karibal.

-- Advertisement --

Sa ngayon mistulang desperado ang Pacers upang mapigilan ang ikalawang sweep sa kanila sa loob ng tatlong seasons.

Nasayang naman ang diskarte ni Tyreke Evans para sa Indiana na may 19 points upang pantayan ang kanyang naunang career high sa playoffs.