Inanunsiyo ni Celine Dion ang paggawa ng bagong album nito at ilang mga concerts.

Ilan sa mga bansang napili para sa kaniyang Courage World Tour ay sa Quebec City, Canada sa September 18 at 50 lungsod kabilang ang Miami, Los Angeles, Montreal, Chicago at Brooklyn.

Baka sa Nobyembre aniya ay mailalabas na rin ang kaniyang ika-12 studio album.

Celine Dion / IG post

Ipinagmalaki pa ng 51-anyos na singer ang tagumpay dahil sa paglipat niya sa bagong producers at writers.

Ibinunyag nito na naging ganado ito sa pagsasagawa ng mga concerts mula noong pumanaw ang kaniyang asawa at manager na si René Angélil noong 2016.