katy perry 1

Dumarami na umano ang mga celebrities na sumasama na mamuhunan sa plant-based alternative na Impossible Foods.

Sinasabing ang panibagong mga sikat na personalidad na nag-invest na rin sa ganitong uri ng negosyo bilang alternatibo sa pagkaing karne ay sina Jay-Z, Katy Perry, Serena Williams, Jaden Smith, Trevor Noah at Zedd.

Inanunsyo ng Impossible Foods na panibagong $300 million ang kanilang nakalap sa gitna na rin ng pagtaas ng demand nito.

Sa kabuaan nasa $750 million na ang natipon ng kompaniya.

Dahil daw sa pagiging patok ng kanilang produkto, nagkukulang na rin sila ng suplay.

Maraming mga consumers daw kasi ang mas gustong less meat dahil sa kanilang mga kalusugan.

Sa ngayon ang Impossible Foods ay magdaragdag na rin ng 50 bagong employees sa kanilang Oakland, California factory at dagdag ding manufacturing facilities.