Inaprubahan ng 17th Sangguniang Panlalawigan ng Cebu ang isang resolusyon na nagbibigay awtorisasyon sa pagpapalabas ng P10 milyon na tulong pinansyal para sa General Santos City, kasunod ng magnitude 7.8 na lindol na yumanig kaninang umaga, Hunyo 8, 2026.
Nagkakaisang inaprubahan ng 17th Sangguniang Panlalawigan, sa pamumuno ni Vice Governor Glenn Anthony Soco, ang resolusyong inakda ni Provincial Board Member Red Duterte at sertipikahang urgent ni Governor Pam Baricuatro.
Ang resolusyon na inihain ni Provincial Board Member Red Duterte ay kinilala bilang mahalaga at agarang ipasa ni Gov. Pam Baricuatro, na nagpadala rin ng liham sa Sanggunian para sa mabilis na aksyon.
Ayon kay Gov. Baricuatro, gagamitin ang pondo upang suportahan ang relief at recovery operations at matugunan ang agarang pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan ng lindol.
Saad naman ni Duterte na dapat ding matukoy ang iba pang mga lokal na pamahalaang naapektuhan ng kalamidad upang mabigyan din ng kaukulang tulong.
Matatandaan kasi na noong Setyembre 2025, nagkaloob ang General Santos City ng P8 million pesos na tulong pinansyal sa Cebu Provincial Government matapos ang pagtama ng magnitude 6.9 na lindol na sa Bogo City at iba pang bahagi ng hilagang Cebu.










