CEB PC
-- Advertisements --

Hinikayat ng Cebu Pacific na maaaring magpa-rebook o magpa-refund na lamang mga pasahero na non-essentials matapos ang ipinatupad ang panibagong paghihigpit ng gobyerno sa mga biyahero.

Ayon sa nasabing kompaniya, mananatili at walang pagbabago ang mga flights sa susunod na tatlong araw.

Dagdag pa nila, maaaring magpa-rebook at magpa-refund ng dalawang oras bago ang itinakdang flights.

Mag-aanunsiyo aniya sila ng mga pagbabago sa kanilang mga flights sa Marso 5 hanggang Abril 4.