Pinangunahan ni Cebu City Mayor Edgardo Labella ang send-off ceremony sa mga sakop ng PNP, CCDRRMO, Task Force Kasaligan, PROBE and CESET personnel nitong Martes ng umaga sa Plaza Independencia nitong lungsod ng Cebu.

Ipapakalat ang mga ito sa iba`t ibang mga simbahan sa lungsod upang tumulong sa pag-secure at pagtiyak na walang overcrowding sa panahon ng Misa de Gallo at Simbang Gabi na magsimula bukas.

Sa mensahe ni Labella, pinasalamat niya ang mga ito sa ipinakitang serbisyo para sa mga Sugbuanon.

Umaasa pa ang alkalde na magpapatuloy ang masigasig na serbisyo ng mga ito mula sa unang araw ng novena hanggang sa matapos ito.

Samantala, base sa pinakahuling data na inilabas ng Department of Health kahapon, nadagdagan ng dalawang panibagong kaso kaya nasa 166 ang aktibong kaso ng virus sa lungsod.