CEBU CITY – Nagbabala si Cebu Provincial Governor Gwendolyn Garcia na maaari itong magdeklara ng “lockdown” kung hindi tatalima ang mga kababayan nito sa ipinatupad na hakbang laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ito’y matapos nakatanggap ng ulat ang gobernadora na nagpapatuloy umano sa kani-kanilang travel itinerary ang ilan sa mga Cebuano.

Ayon kay Garcia, ang home quarantine ay ang mabisang paraan upang makaiwas at hindi na kumalat pa ang coronavirus.

Paalala ngayon ng gobernadora na iwasan muna ang mga lakwasta kasunod ng lumalalang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Una nang nilinaw ni Garcia na hindi ito magpapatupad ng lockdown at asahan ang mas mahigpit nitong mga precautionary measures upang maiwasan ang paglobo ng COVID-19 cases sa Cebu.