-- ADVERTISEMENT --

CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi lalayo si Vice President Leni Robredo sa ipinatupad na istratehiya ng Duterte administration sa kung paano sinasagot ng gobyerno ang higit 50 taon ng insurhensiya o armadong pag-aaklas ng grupong Communist Party of the Philippines New People’s Army- National Democratic Front sa bansa.

Vice President Leni Robredo’s city hall of visit where City Mayor Oscar Moreno warmly welcome her team.(Photo Jomar Figuracion of City Information Office)

Ito ay matapos mas gugustuhin rin ni Robredo kung sakali na mapili na susunod na pangulo na na maisagawa ang localize peacetalks o ‘whole of the nation approach’ upang mas direkta matututukan ang pasan na suliranin ng mga taga-baryo na laging nahuhuli sa mga sebisyong publiko ng gobyerno sa matagal ng panahon.

Ito ang bahagi sa tugon ng pangalawang pangulo nang matanong kung sang-ayon ito na buksang muli ang usaping pangkapayapaan ng gobyerno at grupong komunista na ipinatigil ni Duterte dahil sa mas pinili ang ‘whole of the nation approach’ na nakasaad sa kanyang inilabas na executive order no.70.

Sinabi ni Robredo mas epektibo ang direktang pagtututok sa baba kasi hindi nangyayari ang mga sagupaan sa itaas subalit nasa mga kanayunan kung saan nagkasalubong ang puwersa ng gobyerno at mga rebelde.

Si Robredo ay naparito sa Northern Mindanao dahil sa ilang mga aktibidad kaugnay sa paglaban ng COVID-19 pandemic at mga pagbisita rin sa mga sektor na pasok sa kanyang mga kasalukuyang programa sa Office the Vice President.

-- ADVERTISEMENT --

Nagkataon din na habang nasa Cagayan de Oro City ang bise-presidente ay binisita naman ng ilang mga alyadong politikal at cabinet officials ni President Rodrigo Duterte ang Iligan City.

Katunayan ay nakarating rin si Duterte upang pangunahan ang pang-apat na taon na paggunita ng Marawi Liberation laban sa grupong Maute-ISIS terrorists na nag-ambisyon sakupin ang mga tao sa Marawi City,Lanao del Sur taong 2017.