-- ADVERTISEMENT --

(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Arestado ng pulisya ang tatlo sa apat na mga suspek pag-ambush patay ng kilalang hospital medical director nang ikinasa ang pursuit operation sa lugar na pinagtaguan nila sa bayan ng Balingoan,Misamis Oriental.

Kinilala ni Nazareth Police Station commander Capt Allan Cairel ang tinukoy na mga salarin na sina Jomar Pacilan Adlao, 30,Marjun Abayon Cabug, 39 at Joel Arcilla Nacua, 37, na lahat residente sa probinsya ng Bukidnon.

Dagdag ni Cairel na malaking tulong ang video footages mula sa mga kuha nila na CCTVs sa bisinidad ng crime scene para matukoy nila ang sinasakyan ng motorsiklo ng mga suspek kaya natunton ang pinagtaguan ng mga salarin.

Samantala,salaysay naman sa Bombo Radyo ni Nacua na mismong bumaril sa biktima na si Dr Raul Winston Andutan gamit ang kalibre 45 na baril na napag-utusan lamang umano sila ng prime suspect na si Rene Tortusa kapalit ang pera na ibibigay na P150,000.

Sinabi pa nito na si Tortusa rin umano ang mismong nag-aabang kay Andutan sa labas ng bahay nito papunta sa Maria Reyna-Xavier University Hospital habang tatlong suspected hired killers ay sinundan ang sasakyan at nang maka-tsansa ay binaril na agad hanggang sa bawian ng buhay.

-- ADVERTISEMENT --

Binanggit ng mga suspek na walang personal na atraso ang biktima sa kanila subalit napag-utusan lang sila na paslangin ito dahil sa akusasyon na pambabae at kasong pagpatay.

Bagamat nakatakas si Tortusa nang sabay na nilusob ng magkaibang regular at special units ng PNP mula Cagayan de Oro City,Misamis Oriental at Police Regional Office 10 subalit tuloy-tuloy ang kanilang pagtugis nito upang makatukoy kung sino ang nasa utak ng kremin.

Narekober mula sa arestadong mga suspek ang kalibre 45 na mismonng ginamit pagpatay kay Andutan at dalawang granada sa hideout nila sa lalawigan.

Sa ngayon,wala pang komento ang pamilya ukol sa isyu na pambabae at pagpatay na umano’y kinasangkutan ng biktima.

Magugunitang nagtamo ng maraming tama ng bala ang nagmamanehong biktima dahilan na bumangga ang kanyang sinasakyan at patay na nang maisugod sa mismong ospital na pinagta-trabahuan niya.