-- ADVERTISEMENT --

(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – ‘Strike while the iron is still hot’.

Tila ganito ang pagkalarawan ng ina na si Leticia Obeñita para sa mga plano ng kanyang panganay na anak na si eigning Ms Intercontinental 2021 Cindy Obeñita.

Ito ang paglilinaw ni Gng Obeñita kung ano mga susunod na plano ng anak sa kabila ng panibagong naabot na tagumpay nito sa larangan ng beauty pageant competition kung saan ilang oras pa lang ang nakalipas mula sa bansang Egypt.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ng ina na wala pa sa plano ng anak na hihinto na maghanap ng karagdagang parangal para sa bansa gamit ang kanyang bigay na kagandahan at talino.

Sinabi ng nakatatandang Obeñita na matapos umano ang panunungkulan ni Cindy bilang Ms Intercontinental 2021 ay agad itong kukuha ng kanyang masters degree upang mas mapalago pa nito ang kanyang trabaho .

-- ADVERTISEMENT --

Ang 25 anyos na si Cindy ay nagtatapos bilang magna cum laude ng kursong Bachelor of Arst major in Mass Communication ng isang unibersidad ng lungsod at kasalukuyang senior tourism officer ng provincial government ng Misamis Oriental.

Si Leticia Obeñita

Ito nga ang dahilan na isa lamang si Cindy sa mga maraming Misamisnon beauty queen na nakaabot sa national pageantry dahil turismo rin ang flagship program ng kasalukuyang upo na si Provincial Gov Bambi Emano.