CAGAYAN DE ORO CITY- Duguan at nagtamo ng maraming pasa sa katawan ang suspek sa pang-gagahasa umano ng 2-anyos na bata nang mahuli ito ng mga pulis sa Purok 1, Barangay Tambacan, Iligan City.

Ito’y matapos pinagtutulongang bugbugin ng mga residente ang suspek na si Ibrahim Bulo Adiong, 27-anyos, single, taga- Barangay Tomas Cabili Iligan City dahil sa ginawa niyang kasuklam-suklam na krimen.

-- Advertisement --

Ayon kay Iligan City Police station commander-4 PLt. Rodney Gere, naaktuhan mismo ng ama ng biktima ang suspek na nakapatong sa bata habang natutulog sa loob ng kanilang kuwarto.

Sa laking gulat ng ama, napasigaw ito at nagwawala kung kaya’t nahuli ng mga kapitbahay ang suspek at pinagbugbogbog.

Sa ginawang body search naman ng mga otoridad, nakunan nila ito ng isang (1) sachet ng shabu sa kaniyang bulsa.

Napag-alaman na kaibigan ng ama ng biktima ang suspek na naki-celebrate lang ng New Year sa kanilang bahay.