-- ADVERTISEMENT --

(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Buhos ang emosyon hindi lang ng pamilya,mga kaanak subalit maging sa maraming mga residente nang inihatid na ng huling hantungan ang panganay na anak ni incumbent Cagayan de Oro 1st District Rep. Rolando ‘Klarex’ Uy na unang binaril-patay ng motorcycle in tandem suspects sa Barangay Pagatpat ng lungsod noong Nobyembre 11,2021.

Photos from Cagayan de Oro City,Philippines Facebook page

Ito’y matapos marami sa mga residente ang nagpaabot simpatiya sa kinaharap na pagsubok ng pamilya dahil sa pagkamatay ni Carmen Brgy Kag Roland Sherwin ‘Tawee’ Uy habang nasa kasagsagan ng transaksyon ng quarry operation sa lugar.

Ang nakababatang Uy ay inilibing sa pribadong sementeryo ng lungsod kaninang umaga.

Inihayag ni Kongresita Klarex na sobrang sakit at ang hirap pa ring tanggapin na wala na sa kanilang piling ang mahal na anak.

Humingi rin nang pag-uunawa ang ama sa harap ng mga labi ng namayapang anak kung mayroon man itong pagkukulang habang sila na magkakapatid ay pinapalaki at binigyang maayos na edukasyon noong kanilang kabataan na edad pa.

-- ADVERTISEMENT --

Emosyonal rin na binanggit ng pamilya na sana mayroong indibidwal o mga personalidad na maglakas ng loob upang isiwalat ang kanilang nalalaman sa tunay na utak ng kremin kapalit ang bounty money na nasa P12.3 milyon na.

Magugunitang una na ring sinabi ni City Mayor Oscar Moreno sa Bombo Radyo na unang nag-alok ng 2 milyong piso na gantimpala na hawak na ng SITG-Uy ang ilang impormasyon na mahalaga para maresolba ang pagkasawi ng biktima.

Si Cagayan de Oro 1st District Rep. Rolando ‘Klarex’ Uy

Si Klarex at Moreno ay halos siyam na taon nang magka-alyansa ng politika kung saan pawang tinalo nila ang lahat ng kanilang political challengers simula taong 2013 hanggang 2019 elections sa bansa.