-- ADVERTISEMENT --

CAGAYAN DE ORO CITY – Halos hindi inaasahan ng pamilya Obeñita at mga kaanak na si Bb Pilipinas Cinderella Faye ‘Cindy’ Ello Obeñita ang hihirangin na pangalawang reyna para sa Pilipinas sa Ms Inter-continental na katatapos lamang ginawa sa Sunrise Diamond Beach Resort,Sharm El Sheik,Egypt.

Ito ang pag-amin sa ina ni Cindy na si Gng Leyte Ello Obeñita na nagpupuyat rin upang direkta mapanood ang final performance ng anak laban sa 73 pa na mga kandidata na naghahangad ng korona kaninang madaling araw.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Gng Leyte na bata pa man ang kanyang panganay na anak ay pinangalagaaan na niya ang kalusugan bilang paghahanda para sa nakatakdang pagsabak nito sa beauty pageant competitions.

Sinabi nito na bagamat package na ang angking ganda ng kanyang anak subalit naging bunos na rin ang pagkakaroon nito ng pagiging matalino kung saan nagtapos ng kursong Bachelor of Arts Major Mass Communication bilang magna cum laude ng Liceo de Cagayan University ng lungsod.

Si Cindy ang pangalawa pa lamang ng Pinay beauty queen na nakahawak ng korona kung saan una itong nakamit sa katauhan ni Karen Gallman taong 2018 hanggang 2019.

-- ADVERTISEMENT --

Kasalukuyang senior tourism officer din si Cindy ng provincial government ng Misamis Oriental kung saan si Governor Bambi Emano ang nasa likod ng programang turismo ng lalawigan.